Afternoon Verse : Isaiah 44:9 - UCCP Ugalingan

Advertisement

Advertisement

Thursday, April 4, 2024

Afternoon Verse : Isaiah 44:9



Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya.

Isaias 44:9


-------------


Walang kwentang tao ang mga gumagawa ng mga rebultong dios-diosan. At ang mga rebutlong ito na lasbis nilang pinapahalagahan ay walang halaga. Sila rin ang makakapagpatunay na ang mga iyon ay wala ring halaga. Sapagkat ang mga iyon ay hindi nakakakiga at walang nalalaman. Kaya nga napapahiya ang mga sumasamba sa mga iyon.


----------------------------

Nasusulat naman sa biblia, ang SAMPUNG UTOS NG DIOS.


Exodos 20 : 3-4

3 “Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios maliban sa akin.

4 “Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig. 5 Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin. 6 Pero ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyon na nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.


Malinaw naman na huwag tayong sasamba o gumawa ng mga dios-diosan. Kaya bakit marami pa rin sa atin ang gumagawa nito.?





No comments:

Post a Comment

Advertisement